Ang mga larawan sa ibaba ay larawan ng iba't ibang pangkat etniko. Tignan at suriin ang mga pisikal na katangian ng mga ito. Paano sila naiiba sa atin?
Basahin ang akda sa ibaba gamitin ang mga talasalitaan upang lubos itong maunawaan.
Talasalitaan
1. talungko- pag-upo na dikit ang binti sa hita at nakabitin ang puwit
2. giray- sira
3. ginagad- ginaya na gustong magpatawa
4. nanghinamad- nag-inat dahil sa pakiramdam ng katamaran
5. namamalirong-namamaga
6. nangangalirang- labis na natutuyo
7. sumusuno-sumama
8. tinutop-tinakpan ng kamay
9. nagkalugkugan- nagkalampagan
10. pahalipaw- nagkalat ng mga maliliit na bagay
- Rasismo (racism)
Ito ang ipinapakita ng mga taong may pandidiri o galit sa taong kaiba ang pamumuhay, relihiyon, o lahi. Ang rasismo at iba pang uri ng diskriminasyon ay hindi lamang nagbabatay sa kulay ng balat.
- Kung makakasalamuha mo ang isang taong iba ang lahi at itsura tulad ni Impen paano mo siya pakikitunguhan?
- Paano naipapakita ang rasismo sa kasalukuyang panahon?