Ang mga larawan sa ibaba ay larawan ng iba't ibang pangkat etniko. Tignan at suriin ang mga pisikal na katangian ng mga ito. Paano sila naiiba sa atin?
Basahin ang akda sa ibaba gamitin ang mga talasalitaan upang lubos itong maunawaan.
Talasalitaan
1. talungko- pag-upo na dikit ang binti sa hita at nakabitin ang puwit
2. giray- sira
3. ginagad- ginaya na gustong magpatawa
4. nanghinamad- nag-inat dahil sa pakiramdam ng katamaran
5. namamalirong-namamaga
6. nangangalirang- labis na natutuyo
7. sumusuno-sumama
8. tinutop-tinakpan ng kamay
9. nagkalugkugan- nagkalampagan
10. pahalipaw- nagkalat ng mga maliliit na bagay
- Rasismo (racism)
Ito ang ipinapakita ng mga taong may pandidiri o galit sa taong kaiba ang pamumuhay, relihiyon, o lahi. Ang rasismo at iba pang uri ng diskriminasyon ay hindi lamang nagbabatay sa kulay ng balat.
- Kung makakasalamuha mo ang isang taong iba ang lahi at itsura tulad ni Impen paano mo siya pakikitunguhan?
- Paano naipapakita ang rasismo sa kasalukuyang panahon?
Sa isang pagkakataon na makakasalamuha o makakadaupang palad ko ang katulad ni Impen na kakaiba ang kulay ng balat, sa una maaaring mangilang ako dahil hindi ako sanay sa ganoon ang kulay ng balat, pangalawa lalayo ako sa kanya dahil takot ang mamamayani sa akin at sa huli, mandidiri ako sa kanya. Yan ang katotohanan na dapat maalis at baguhin ng bawat isa ang ganitong pananaw. Nakakalungkot isipin na ang mga katulad ni Impen at iba pa ay hindi matanggap ng lipunan na ang pinagbabasehan lamang ay dahil kakaiba sila. Kaimpokritahan kung sasagot ako ng kabaligtaran ng inisa-isa sa unahan. Dahil bago ka maging sensitibo sa kalagayan ng iba kailangan makilala mo muna sila o makita kung sino sila. Maaari rin naranasan mo ang ganoon kalagayan sa ibang pagkakataon.
TumugonBurahinMaraming pagkakataon sa paligid na nakikita ang rasismo tulad ng pakikisalamuha natin sa mga batang pulubi, pakikitungo ng isang taong nakaaangat sa buhay sa mga taong mahihirap.
Likas na sa ating mga tao ang pagiging mapanghusga base sa panlabas na kaanyuan. Isang magandang halimbawa ang kwento ni Impeng Negro na sumasalamin sa ugaling ito ng nakararami sa ating mga tao.Madaling sabihin na "hindi ako manghuhusga ng aking kapwa"dahil lamang sa kanyang itsura, ngunit aminin natin na ganuon ang kadalasang ating unang reaksyon. Wala sigurong masama, ang masama siguro'y sa kabila ng pagkakilalang lubos pagkatapos ng unang tagpo ay ang patuloy na pagyurak sa katauhan nito dahil lamang sa kakulangan sa itsurang pampisikal.Ang nararapat ay ang pagtanggap sa kanila bilang nilalang na kawangis ng Diyos na lumikha. Igalang ang kanilang paniniwala, pagkatao, at tanggapin ang kanilang kakulangan.
TumugonBurahinNagbago na ang lahat ng bagay sa mundo. Mabilis ang pag unlad ng teknolohiya, kalalabas lamang ng iphone 6 ilang buwan lang at may iphone 7 na, ang internet connection ay lte or 4g na. Ang mga sasakyang panglupa ay maari na ring ilusong sa baha kagaya ng bagong Ford Ranger. Ngunit nakakalungkot isipin na ang paniniwalang singtanda na ng panahon na ang tingin sa mga tao ay ibinabase sa bansang pinagmulan ay nanatili pa rin magpahanggang ngayon. Mulat pa rin ang mga bagong henerasyon na ang mga lahing kayumanggi ay mababang uri at ang mga "puti" ay mga nilalang na dapat pangilagan. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit di mabura ang kaisipang matagal ng namayani sa mundong ating ginagalawan. Masakit isipin na ang pagtrato sa tao ay nakasalalay pa rin sa itsura ng isang tao, na hindi mahalaga kung anuman o gaano man kataas ang karangalang iyong nakamit bastat ang kulay moy di nabibilang sa lahi na namamayani sa mundo ikaw ay mananatiling maliit sa kanilang paningin.
kung makakasalamuha ko ang isang katulad ni Impen magiging maayos ang aking pag trato s kanya. hindi batayan ang kulay ng balat o lahi ng isang tao para siya ay tratuhin mo ng tama. ang sabi pa "gawin mo sa iba ang ibig mong gawin sau." igalang at respetuhin mo ang iba at iyon din ang gagawin sau.
TumugonBurahinang rasismo s panahon ngaun ay laganap p din. may ilan n hindi natatanggap s trabaho dahil lamang sa kulay ng kanilang balat. may ilan nman na binubully dahil lng din s kakaibang itsura marahil dahil ito sya ay ibang lahi. ngunit ito ay dapat na iwasan. lahat tayo ay pantay pantay lang sa paningin ng Diyos walang mataas o mababa.
Aminin man natin at hindi marami sa atin sa kasalukuyan na kapag may nakita o nakasalumuha tayong kakaiba sa ating paningin ay iniisip nating hindi siya akma sa moda ng buhay o hindi natin siya kagrupo at hindi siya nababagay sa ating lipunan. Sa ganang akin, ako ay taliwas sa ganitong di patas na pagtingin sa kapwa. Lagi kong isinasaisip na ang lahat ng bagay o sino man ay nagmula sa simple, payak kung kaya’t dapat tingnan ng patas at pantay – pantay.
TumugonBurahinMaraming mukha si Impeng Negro sa kasalukuyan, hindi lamang sa itsura, kulay ng balat, lahi, relihiyon at antas ng pamumuhay. Dagdag pa natin dito na maging sa lipunan ng mga nag-aral o sa mga propesyonal at sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan ay umiiral pa rin si Impeng Negro. Inaakala ng iba na ang posisiyon at kalagayan nila sa institusyon na kanilang ginagalawan ay dapat nilang iputong sa kanilang ulo at kapital sa pang aabuso ng kapwa na mas mababa sa kanila o nasasakupan. Ginagamit ng ilan sa kanila ang mataas na posisyon upang makapanglamang sa kapwa, gumamit ng lakas at talino ng iba, o magpayaman. Ngunit hindi ko inilalahat, sino nga ba ang gumagawa ng ganito? Hindi ba’t silang mga nandaya o nanlamang makamit lamang ang pwestong kanilang inaasam upang magamit nila sa kanilang baluktot, kahunghangan at maruming gawain. Sinasamantala nila ang kahinaan ng kapwa at inisip palagi na mas makapangyarihan sila dahil sila ang pinuno. Nguni’t saganang akin kung imumulat nila ang kanilang mga mata wala sila sa kanilang ginagalawan kung hindi dahil sa mga taong nasa ibaba na ani nila’y kanilang nasasakupan. Ang mga nasa ibabang ito ang gumagawa ng lahat ng bagay upang mapaganda at maiayos ang gawain ng kanilang pinuno na aangkinin na lamang ng mga nakatataas sa kanila na ito ay gawa nila. Ito ay opinion ko lamang ngunit higit sa lahat maaring ipagmulat mata ng mga abusado, mapanglamang at naglalagay ng kanilang posisiyon sa kanilang ulo na dapat nilang isa isip na magka iba ang salitang “BOSS” sa “LIDER.”
“Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at may pare-parehong dangal at karapatan. Sila’y binigyan ng budhi at ng kakayahang mag-isip at dapat makitungo sa isa’t isa sa espiritu ng pagkakapatiran.”—Artikulo 1 ng Pandaigdig na Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao
Kung ako ang tatanungin maaring diko pansinin o pahalagahan ang katulad ni impeng negro, nakakahiya man tayong mga tayo ay likas na mapanghusga sa panlabas na kaanyuan ng ating kapwa, bawat bagay na nakikita natin sa labas ay nabibigyan na natin ng kahulugan. Dahil ayaw nating mapahamak at ito ay sanhi ng magulong panahon na umiiral sa ating paligid ngayon.May mga tao na maganda ang pakikota ngunit pagtalikod no ay sasakdakin ka. May mga tao naman na maganda na pang labas bulok naman ang kalooban. Kung minsan nga kung iisipin natin mas mainam pa ang katilad nila peng negro sapagkat mas malinis ang kanilang kaloovan kaysa sa mga taong mataas ang pinag aralan.
TumugonBurahin